Buwan ng Wika: Ipinagdiriwang

Ika -10 ng Agosto taong kasalukuyan, ipinagdiwang ng STI College-Sta. Rosa ang Buwan ng Wika alinsunod sa tema: `Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas`.
Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng Samahang Diwang Filipino sa pangangasiwa ni Paul Aniego, ang Pangulo at ni Gng. Lorna Almasol, ang Tagapayo. Sa ganap na ika-2 ng hapon, nagsimula ang palatuntunan kung saan nagbigay ng malamang mensahe ang ating kagalang-galang na dekana, Bb. Girlie Malijan. Tinapos nya ang kanyang mensahe sa isang simple at ngunit makahulugang kasabihan: `Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan`.
Tampok sa palatuntunan ang dula - dulaan ng mga estudyante ng Business Management tungkol kahalagahan ng kalikasan sa ating buhay. Nagtanghal din sina Arji Maglangit at nagbigay din ng nakaaaliw na sayaw ang mga estudyante ng Engineering. Isang mahusay na pagtatanghal din ang inihanda ng mga estudyante ng HRM na pinamagatang `Sino Ang Tunay na Baliw?`
Ang pinaka-inaabangang bahagi ay ang `Binibini at Ginoong Kalikasan` na kung ibinida ng mga kandidato`t kandidata maka-kalikasang kasuotan habang sumasayaw sa harap ng maraming tao. Ngunit hindi lamang nagpagandahan ng mga kasuotan ang mga kalahok, kundi ipinamalas din ang kanilang talas ng isip sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong ng mga hurado na sina Gng. Rachelle Andal, G. Mario Capalad at Gng. Yay Pante. Sa bandang huli, nagwagi ng korona si Bb. Christelle Basbas bilang Binibining Kalikasan at ang Ginoong Kalikasan naman ay si G. Alvin Delos Reyes.
Sa kabuuan, naging matagumpay at maayos ang pagdiriwang ng Buwan ng wika. Tiyak na aabanagan ulit ito sa susunod na taon.
Date Time



